LAGI mong ipinalalagay na isa kang tolerant, loving parent sa anak mong babae na 22-anyos.
Ginagawa mong mag-stay out sa kanyang personal life at hindi mo iginigiit ang paniwala mo sa kanya.
Pero ngayon ay may syota na siya na nagpapasakit ng iyong ulo.
Isa itong istambay, walang galang, kung manamit ay palaging waring hubo at salitang kanto ang alam na lasenggo pa.
Hindi mo alam kung paano siya nagustuhan ng dalaga mo. Pinipilit mong tanggapin siya pero sa gabi ay hindi ka makatulog.
Anong kinabukasan ang nakaharap sa anak mo kung ito ang magiging manugang mo?
Maaaring sabihin ko sa iyo na “huwag mong husgahan ang tao sa kanyang panlabas at maaaring mabuti ang kalooban niya. Kung mahal siya ng anak mo, iyon lang ang mahalaga.”
Pero hindi ko ito sasabihin sa iyo.
Sa purely spiritual world, hindi siya ang ideal son-in-law. Sa katunayan, isa siyang nightmare na makasama sa bahay.
Mahirap i-psychoanalyze ang anak mo kung bakit niya pinili ang tipo ng nobyo niya at huwag mo ring gawin ito.
Sa katotohanan, sa hindi maipaliwanag na bagay, ang lalaki ay may appeal sa anak mo. Ikaw ay umaasa, nagdarasal na ang kanilang relasyon ay mapuputol.
Pero wala kang magagawa na kumbinsihin ang dalaga mo na i-dump ang nobyo niya.
Kung lagi mong sisiraan nang sisiraan sa kanya ang nobyo niya, baka maging rebellious siya at lalo pang lumala ang sitwasyon.
Ang bottom line ay ito, magtiwala ka sa character at value ng anak mo.
Manalangin ka na sooner or later, mapapagod siya na makisama at manimbang sa busabos na nobyo niya.
Na mapagod na siyang ‘pahirapan’ ang kanyang sarili o i-shock ka, anuman ang dahilan ng ginagawa niya. At matatamo niya na ang lalaking ito ay hindi tama sa kanya.
Maging supportive ka sa anak mo without being supportive sa nobyo niya.
Sabihin mo sa kanya na malamang ay ilang beses mo nang nasabi sa kanya na nahihirapan ka lamang tanggapin ang BF niya.
Dugtungan mo ang sinabi mo na mahirap mang gawin, pero gawin mo rin na ‘natutuwa ka at nakakita siya ng lalaki na palagay niya ay tama sa kanya.”
Malalaman niya na gusto mong maligaya siya at lagi kang nasa likod niya anuman ang mangyari.
Ang approach mong ito ay makakasorpresa sa kanya.
Malalaman niya na binibigyan mo siya ng espasyo sa sarili niyang judgment na ipinalalgay niyang ikaw ang magbibigay.
Hang in there.
Baka matauhan ang anak mo at ma-realize niyang ang boyfriend niya ay hindi tamang maging ama ng kanyang magiging mga anak.
The post Dapat gawin kapag aburido sa syota ng anak appeared first on Remate.