PINURI ng Malakanyang ang naging desisyon ng Energy Regulation Commission (ERC) na atasan ang Wholesale Electricity Spot Market (WESM) operator na i-recompute at magpalabas ng regulated prices mula Oktubre 26 hanggang Disyembre 25 ng nakaraang taon.
Sinabi ni Press Secretary Herminio “Sonny ” Coloma, Jr. na talagang lumobo ang rates ng MERALCO sa panahon na iyon kung saan nagsimulang mag-shutdown ang Malampaya plant.
Ang presyong inilabas ng WESM operator ay hindi maituturing na “reasonable, rational, and competitive.”
Bukod dito, pinaboran din ng pamahalaan ang paggamit ng ERC ng police power upang tuldukan ang pagpapataw ng tinatawag na “excessive, exorbitant, unreasonable, o very high prices” ng elektrisidad bilang pagsunod na rin sa mandato nito sa ilalim ng EPIRA law.
Sa kabilang dako, inatasan din ng ERC ang operator ng Philippine Electricity Market Corporation (PEMC) na baguhin ang WESM bills para sa mga panahon na gumamit ng tinatawag na regulated prices.
Sinabi ni Sec. Coloma na kapakanan ng mga mamamayan ang kanilang isinaisip pagdating sa presyo ng kuryente.
The post Desisyon ng ERC, pinuri ng Malakanyang appeared first on Remate.