UMAABOT na sa 600 ektaryang palayan ang natuyot sa Barangay Labungan, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao dahil sa matinding init.
Naaapektuhan na ang kabuhayan ng mga magsasaka dahil bukod sa hindi sila makapagsaka, wala na ring mainom na tubig ang kanilang mga alagang kalabaw at kabayo.
Nagtaas naman ng P2 kada kilo ang mga retailer ng bigas dahil sa kakulangan ng suplay.
Hiling ng mga magsasaka sa gobyerno, lagyan na ng irigasyon ang kanilang sinasakang lupa.
The post Mga lupain sa Maguindanao natutuyo na appeared first on Remate.