Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

RoS sa Finals

$
0
0
WALA si Yeng Guiao subalit hindi ito naging dahilan upang mabigo ang Rain or Shine Elasto Painters sa kanilang plano.
Si Caloy Garcia ang humalili sa suspendidong si coach Guiao upang iabante ang Rain or Shine Elasto Painters sa Finals matapos kaldagin ang Petron Blaze Booster, 97-88 sa Game 5 ng PLDT MyDsl-PBA Philippine Cup semifinals kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Tinapos ng Elasto Painters ang serye sa 4-1 upang hintayin ang makakaharap sa All-Filipino Finals kontra sa nagbabanatan na San Mig Coffee Mixers at Barangay Ginebra Gin Kings.
Kumamada si Beau Belga ng 18 points, siyam na rebounds at tatlong assists upang ilagay ang Rain or Shine sa dalawang sunod na Philippine Cup Finals.
Lamang ang RoS ng tatlong puntos papasok ng fourth canto 72-69 pero kumikig ng bahagya ang Boosters para maagaw ang manibela, 75-76 mula sa lay-up ni Arwind Santos may 8:55 minuto pa sa orasan.
Hindi naman nagpabaya ang tropa ni Guiao kaya nabalik sa Elasto Painters ang abante at magtuloy-tuloy na ito hanggang sa pagtunog ng final buzzer.
Bumitaw ng three-point shot si power forward Belga kaya nakuha ng Elasto Painters ang abante, 70-69 may 54 segundo na lang sa third canto.
Sa half time nakontrol ng Boosters ang laro kaya nahawakan nila ang timon, 52-45.
Umarangkada agad sa 7-2 ang Rain or Shine sa tip off subalit kinapitan agad sila ng Boosters, 8-8 matapos isalpak ni Marcio Lassiter ang kanyang tres.
Samantala, babasagin ng ng San Mig Coffee Mixers at Barangay Ginebra Gin Kings ang pagkakatabla ng serye mamayang alas-tres trenta ng hapon sa nasabing lugar.
Mag-uunahan ang Mixers at Gin Kings sa pagsungkit ng ikatlong panalo sa Game 5 upang mamuro sa pagsampa sa Finals.
Naitabla ng crowd favorite Barangay Ginebra sa 2-2 ang serye matapos nilang malusutan ang Game 4 kung saan ay muntikan na silang mabaon sa 1-3.
Muling sasandalan ni Gin Kings head coach Ato Agustin ang kumamada sa huling laro nila na si Mac Baracael at ang kanyang dalawang higanteng sina 7-foot-0 center Greg Slaughter at 6-foot-9 forward Japeth Aguilar.
Habang si Mixers coach Tim Cone ay kukuha ng lakas kay Marc Pingris at dalawang point guard na sina Mark Barroca at Justin Melton.
Sina 5-foot-10 Barroca at 5-foot-11 Melton ang naging susi sa pagkakapanalo ng Mixers sa Game 3.

The post RoS sa Finals appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>