ITINAAS na ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa level 2 o restriction phase ang crisis alert sa Venezuela.
Ani DFA Assistant Secretary Raul Hernandez, pinaiiwas na rin nila ang mga Pinoy sa mga matatao at kritikal na lugar sa nasabing bansa dahil na rin sa lumalalang sitwasyon.
Pinag-iisipan naman ang paglalabas ng temporary employment ban ng Department of Labor and Employment (DOLE) habang pinaghahanda ang mga Pinoy sa Venezuela sa repatriation sakaling lumala pa ang tensyon.
Umaabot sa 104 Pilipino na nagtatrabaho sa Venezuela ang apektado sa demontrasyon na nag-ugat sa pagpapatalsik sa puwesto kay President Nicolas Maduro.
The post Pinoys pinaiiwas sa kritikal na lugar sa Venezuela appeared first on Remate.