PATAY ang isang babae nang abutin ng apoy ng nasusunog na damuhan sa Butuan City.
Kinilala ang biktimang si Rosa Mae Busa, caretaker ng sakahan sa Purok 17, Himatondang, Brgy. Libertad.
Ayon sa kinakasama ng biktima na si Demetrio Ladero, 32, sinunog ng biktima ang mga tuyong dahon at halaman sa paligid ng kanyang binabantayang sakahan nang lumawak ang sunog.
Hindi kinaya ng biktima ang sunog na natamo dahilan ng kanyang pagkamatay.
The post Bebot utas sa grassfire sa Butuan City appeared first on Remate.