Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Alamin mo: Pinoy ka nga ba?

$
0
0

KAILAN nga ba masasabing tunay na Pinoy ang sinuman?

Ayon ba sa kulay ng balat, kung saan ipinanganak, sa lengguwaheng binibigkas o ginagamit o ayon lang sa paniniwala?

Well, marami naman sa atin ang nagsasabing tunay silang Pinoy, pero hindi naman nakikitaan ng tamang gawi, salita at mga ginagawa bilang Pinoy na nagmamahal sa sariling bansa.

Kaya para malaman kung genuine nga tayong Pinoy, sagutan ang pagsusulit sa ibaba:
1. KAPAG may mga dayuhang kamag-anak, ang unang lumalabas sa inyong bibig ay…
a. Ipapasyal kita sa mga lugar dito na hindi mo makakalimutan.
b. Ingatan mo ang mga gamit mo, maraming kawatan dito.
c. Peligroso nga rito, pero okay lang basta kasama mo ako!

2. ANG iyong pinakapangarap sa buhay ay…
a. Maging masaya kahit saan ka man naroroon.
b. Ang magkaroon ng sariling negosyo at manirahan sa Forbes Park
c. Kahit ano basta nandito sa bansa.

3. KAPAG bumibili ng mga damit, lagi mong…
a. Pinipili ang mga imported na gawa dahil mas may kalidad ito.
b. Bumili ng lokal siyempre, Pinoy yata ako!
c. Titingnan ang kalidad, kung kaya ng budget, ‘yun na.

4. PARA mapahanga ang iba, ang ginagawa mo ay…
a. Pinaghuhusayan ang pagsasalita ng English
b. Puporma na suot ang mga imported na damit
c. Aakto nang natural.

5. ANG ilan sa mga iniidolo mo ay sina…
a. Britney Spears at Steven Spielberg
b. Parokya ni Edgar at ilang bayani
c. Ang iyong magulang at ilang cartoons anime

6. ANG paborito mong holiday ay…
a. Bakasyon––Ito lang kasi ang panahon mo para
makasama ang pamilya.
b. Pasko––gusto mo kasi ang Simbang Gabi at mga regalo siyempre.
c. Basta pula sa kalendaryo okay na!

PAGPUPUNTOS:

1. a-3, b-1, c-2
2. a-2, b-3, c-1
3. a-1, b-3, c-2
4. a-2, b-3, c-1
5. a-1, b-3, c-2
6. a-1, b-3, c-2

20-30—Aba! Pinoy kang talaga! Kaya lang huwag masyadong maging seryoso sa iyong pagiging
Pinoy. Wala namang masama kung manonood ka rin ng ilang foreign movie ‘di ba?

10-20—Balanse lang! Puwede kang maging Pinoy at times at puwede ka ring makipagsabayan sa ilang pa-sosy ang dating. Ito ay dahil ayaw mong masabihan kang baduy!  Oo nga’t gusto mo ang mga kanta ni Britney, pero koleksiyon mo naman ang mga kanta ng Parokya ni Edgar!

0-10—Pinoy ka nga pero ikinahihiya mo ito! Kaya kahit ano pang gawin mo kung wala kang pera at walang pag-asang makapunta at manirahan sa ibang bansa, mamamatay ka talagang pure na Pinoy! Asa ka pa!

The post Alamin mo: Pinoy ka nga ba? appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan