PUNONG-PUNO ng pag-asang sasalubungin ng mga Pinoy ang papasok na 2013.
Sa isinagawang survey ng Social Weather Stations mula Disyembre 8, hanggang 11, lumabas na 92% ng mga Pilipino ang naniniwala na may pag-asa silang haharapin sa ngayong Bagong Taon.
Ang naitalang porsyento ay tatlong puntos lamang na mas mababa sa record-high na 95% New Year hope noong 2002 para sa taong 2003 at noong 2011 para sa papasok na taong 2012.
Samantala, bahagyang mas mababa ang naitalang New Year hope sa Mindanao kumpara sa balance Luzon at Visayas na 85% lamang o katumbas na apat sa limang Mindanaoans ang puno ng pag-asang papasok ng 2013.
Naniniwala rin ang mga Pilipino na maganda ang papasok na 1213 dahil patuloy na lumalago ang negosyo sa bansa.