INILIBING na ang tatlong menor-de-edad na magkakapatid na namatay sa sunog sa Purok Kawayanan, Brgy. Handumanan, Bacolod.
Matatandaang tulog ang magkakapatid na sina Rica Montero, 17, Rex, 7, at Arvin, 3, nang masunog ang kanilang bahay.
Hindi nakalabas ng bahay ang magkakapatid nang i-lock ng kanilang lola ang bahay ng mga ito.
Sugatan naman sa insidente ang kanilang lola na si Estalita Montero, 68.
The post Magkakapatid na namatay sa sunog inilibing na appeared first on Remate.