MULING daranas ng kalbaryo ang mga motorista sa muling pagsirit ng presyo ng petrolyo ngayong linggo.
Kaninang alas-6:00 ng umaga,ipinatupad ng Petron, Shell at Flying V ang P1.05 dagdag-presyo sa kada litro ng premium at unleaded gasoline, samantala P0.75 ang itinaas sa kada litro ng regular gasoline.
Sumirit naman ng P0.45 kada litro ang diesel at kerosene.
Ang pagsirit sa presyo ng krudo ay bunsod pa rin ng pagbabago sa presyuhan sa pandaigdigang pamilihan.
Matatandaang bago mag-Pebrero, nagtaas na ng halos P1 sa gasolina ang mga kumpanya ng langis.