Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Bala para sa anak, sinalo ng tatay na pulis, utas

$
0
0

PATAY ang isang miyembro ng Philippine National Police (PNP) nang saluhin ang mga bala na sana’y tatama sa dalawa nitong anak makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalalang mga salarin sa Pasay City.

Binawian ng buhay ang biktima na nakilalang si PO3 Alih Butal, nasa hustong gulang, may asawa, at dating nakatalaga sa Police Community Precinct 6 ng Pasay City police, sanhi ng mga tama ng bala sa ulo at katawan.

Inaalam naman ng pulisya ang pagkakakilanlan sa mga suspek na agad tumakas sakay ng hindi naplakahang motorsiklo patungong Aurora Boulevard ng naturang lungsod.

Sa imbestigasyon, alas-9:30 ng umaga kanina nang maganap ang pamamaril sa kanto ng Legaspi St. at Aurora Boulevard ng naturang lungsod.

Sakay ang biktima ng kanyang motorsiklo (TU-5408) angkas ang dalawa niyang anak upang magsimba nang sumulpot sa bahaging likuran ang mga suspek sakay ng motorsiklo at pinagbabaril ang biktima.

Upang hindi madamay sa pamamaril ang kanyang mga anak ay sinalag ng biktima ang mga bala at iniharang niya ang kanyang sariling katawan na nagresulta ng kanyang kamatayan.

Napag-alaman sa tiyahin ng biktima na wala silang alam na motibo sa naganap na pamamaril sa biktima dahil wala naman silang alam na kagalit nito o nakaaway.

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang motibo sa pamamaslang.

The post Bala para sa anak, sinalo ng tatay na pulis, utas appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>