BINUHAY ni two-time MVP James Yap ang San Mig Coffee Mixers matapos isalpak ang pandiin na tres dahilan upang yumuko ang Barangay Ginebra Gin Kings, 79-76 kanina sa game 5 ng PLDT MyDsl-PBA Philippine Cup semifinals sa Smart Araneta Coliseum.
Tangan ng Gin Kings ang 76-75 abante nang pumukol ng three-point shot si James para maagaw ng Mixers ang unahan, 75-78 may 13.4 segundo na lang sa fourth period.
Bitbit ngayon ng Mixers ang 3-2 bentahe sa kanilang best-of-seven series.
Sa pagbubukas ng fourth canto, nagsalpak ang Mixers ng back-to-back baskets upang itarak ang pinakamalaking lamang, 66-57 subalit nakagawa pa rin ng paraan ang Gin Kings upang itabla ang iskor sa 74 may 52 segundo na lang sa oras.
Hinirang si Marc Barroca na best player matapos maglagak ng 14 points, apat na assists at tatlong steals habang si Marc Pingris ay kumana ng 12 pts.
Nagsumite rin ng tig 10 markers sina PJ Simon, Rafi Reavis at Yap upang mapalapit ang San Mig Coffee asam na titulo.
Tabla ang iskor sa first canto subalit nag-init ang opensa ni Barroca sa second period kaya nakalamang ang San Mig Coffee ng dalawang puntos, 46-44.
Sa second quarter hawak ng Mixers ang 35-34 bentahe nang kumana si Barroca ng back-to-back steals at points para maging 39-34 ang iskor may 4:03 minuto pa sa oras.
Umiskor agad ng siyam na puntos si Barroca sa unang dalawang period habang may tig anim na puntos sina Alex Mallari at PJ Simon.
Si JR Reyes naman ang sumiklab sa second quarter para sa Ginebra matapos isalpak ang lahat ng walong puntos.
Samantala, sino man ang mananalo sa pagitan ng San Mig at Barangay Ginebra ay makakaharap ang Rain or Shine Elasto Painters sa Finals.
Tinapos ng Elasto Painters ang Petron Blaze Boosters, 97-88 sa Game 5 upang ilista ng una ang 4-1 serye.
The post San Mig hinigop ang 3-2 serye appeared first on Remate.