MGA pulis na ng PNP Region4-A ang magbabantay sa pork barrel scam queen na si Janet Lim-Napoles na nakakulong sa Fort Sto. Domingo sa Sta Rosa, Laguna.
Ayon kay Region 4-A regional police director C/Supt. Jaime Gatchalian, nakatakda nang i-turnover sa kanilang kustodiya ang pagbabantay kay Napoles matapos ang isang linggong pagsasanay.
Sinabi ni Gatchalian na nakatakdang italaga sa ibang lugar ang mga guwardiya ni Napoles na mga miyembro ng PNP Special Action Force (SAF) dahil na rin sa banta sa seguridad matapos nailipat na ang nasa mahigit 200 miyembro ng MNLF na naaresto ng militar sa Zamboanga City.
The post Mga bantay ni Napoles papalitan na appeared first on Remate.