Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

7 ‘Termite Gang’ kinasuhan na sa Pasay

$
0
0

PATUNG- PATONG na kaso ang isinampa ng pulisya laban sa pitong miyembro ng “Termite Gang” na nagtangkang looban ang isang bahay-sanglaan sa pamamagitan ng pagdaan sa imburnal kahapon sa Pasay City.

Sinampahan na ng mga kasong attempted robbery, alarm and scandal at destruction of government properties ng pulisya sa Pasay City Prosecutors Office ang mga naarestong suspek na sina Mark Campus, 29, ng 23 Standford St.; Florentino Manuel Jr., 33, ng 113 Emma St.; magkapatid na Rodrigo, 27 at Rolando Yumul, 33 ng 188 Dian Dolores St.; Armando Leonardo Jr., 32 at Marlito Segura, 32, kapwa residente ng 113 Purisima St., at ang huling si Marlon Zafe, 38 ng 114 Emma St. na pawang nakapiit ngayon sa detention cell ng Pasay police.

Ayon kay Pasay City police chief Senior Supt. Florencio Ortilla, mismong ang kawani ng Magdalena Pawnshop sa kanto ng Libertad at Decena St. na si Moises Villamor ang nakakita sa ginagawang paghuhukay ng mga suspek sa imburnal nang lumusong siya rito alas-11:30 ng tanghali matapos mapuna ang pag-uga ng semento sa gilid ng establisimiyento.

Kaagad na ipinabatid ni Villamor sa pulisya ang natuklasan kaya nagresponde kaagad ang mga tauhan ng Special Weapons and Tactics (SWAT) at pinaligiran na ang lugar, pati na ang dulo ng imburnal sa Tripa de Galina kung saan posibleng dumaan ang mga suspek sa kanilang pagtakas.

Sa kabila ng ginawang pagkumbinsi ng pulisya sa mga suspek na sumuko, nagmatigas pa ang mga ito kaya napuwersa ang kapulisan na humingi ng ayuda sa engineering department ng Pasay city hall at sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) upang mabuksan ang malaking takip ng imburnal.

Alas-6 na ng gabi nang boluntaryong lumabas sa imburnal at sumuko ang mga suspek mula sa drainage ng Tripa de Galina matapos makuha sa binuksang imburnal ang mga kagamitan na ginagamit nila sa paghuhukay.

Ayon sa pulisya, hindi lamang ang Magdalena Pawnshop ang target ng mga suspek dahil nadiskubre rin ng engineering team ng city hall ang mga tiniktik ng semento na patungo rin sa Ochoa Pawnshop, Megatrend Pawnshop, Security Bank at Ablaza Pawnshop na nasa hilera lamang ng Libertad St..

The post 7 ‘Termite Gang’ kinasuhan na sa Pasay appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>