Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

70 NUP kailangan sa PNP Romblon

$
0
0

INANUNSYO ni Police Senior Superintendent Danilo M. Abadiano, PNP provincial director ng Romblon, na nangangailangan ang Romblon Police Provincial Office ng 70 non-uniformed personnel (NUP) na itatalaga sa 17 municipal police stations sa buong lalawigan.

Ayon kay director, apat na NUP ang kinakailangan sa istasyon ng pulisya sa bawat munisipyo at dalawang NUP  ang kanilang kailangan sa PNP provincial headquarters.

“Ang mga NUPs ay magsisilbing crime statistics registrars sa bawat municipal police stations sa buong probinsiya at ang bakanteng posisyon na maaaring aplayan ng mga aplikante ay Administratve Assistant III, Administrative Assistant I at Administrative Aide IV.”, ayon kay Abadiano.

Ang mga interesadong aplikante ay kailangang magsumite ng mga sumusunod na rekisitos: application letter, duly accomplished Personal Data Sheet (CSC Form 212-Revised 2005), authenticated Transcript of Record and Diploma, Certificate of Eligibility (if required), Certificate/s of Training, Certificate of Employment (if any), NBI Clearance and NSO Birth Certificate (1 original and 1 authenticated copy), and NSO Marriage Certificate (1 original and 1 authenticated copy for married applicants), local clearances (barangay & mayor’s clearance), 1 valid ID (back to back photocopy).

Ang kwalipikadong aplikante ay maaaring magsumite ng kanilang application sa mga municipal police stations sa bayan na residente o naninirahan.

Ang deadline ng pagsusumite ay hanggang Pebrero 15 lamang o mas maaga pa alinsunod sa palugit na ibibigay ng hepe ng istasyon (chief of police) upang agad na makapili ng aplikanteng tatanggapin sa naturang mga posisyon o trabaho.

The post 70 NUP kailangan sa PNP Romblon appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan