PUBLIC service is a public trust!
Ito ang tugon ng Malakanyang sa ginawang pag-abolish ni Pangulong Benigno Aquino III sa tatlong government-owned and controlled corporations (GOCCs) na sangkot sa P10-billion pork barrel scam.
Sinabi ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, ang mga kompanyang Philippine Forest Corporation, ZNAC Rubber Estate (ZREC), National Agri-Business Corporation (NABCOR), ang nagsilbing daan para mapunta ang public money sa bogus foundations.
Ang lahat ng kompanyang ito ay napag-alaman na naging daan para sa pork fund nina Senador Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada, at Bong Revilla, pawang mga nahaharap sa plunder charges.
Lumabas din na hindi na matatag ang pinansiyal na katayuan ng tatlong ahensiya.
Sa pagsisimula aniya ng administrasyon ay isinulong ni Pangulong Aquino ang polisiya na magpo-promote ng government corporation, upang matiyak na makakapag-contribute sa national development at hindi magsisilbing conduit o facilitator ng makasariling agenda at krimen.
Samantala, marami pang GOCCs ang maa-abolish kapag nagpatuloy na ginawa nang maayos ng GCG ang mandato nito na i-rationalize ang GOCCs sa bansa.
The post M’cañang dumepensa sa pag-abolish sa 3 GOCCs appeared first on Remate.