ISINISISI ng Malakanyang sa small-scale mining ang pagkamatay ng 41 katao na pawang mga biktima ng landslide bunsod ng bagyong Agaton.
Inamin ni Presidential spokesman Edwin Lacierda na nabigo silang mapagtagumpayan ang zero casualty nang manalasa si bagyong Agaton sa rehiyon ng Visayas at Mindanao.
“I’ll just confirm lang but I think some of the deaths were caused by landslides, ‘yung mga small-scale mining. Again, this is an issue with small-scale mining na we’re trying to… We’re trying to fix that situation,” ani Sec. Lacierda.
Nakalulungkot aniya na dahil sa patuloy na gawain ng mga abusadong small-scale miners ay nagreresulta ng landslide ang kanilang ginagawa, na dahilan ng pagkamatay ng ilang indibidwal sa oras na hambalusin ng bagyo ang kanilang lugar.
“Kasi ang problema diyan talaga small-scale mining. Parang sila ‘yung biglang sumisipot, biglang… Ang hirap niyan—saka ‘yung bundok na pinupuntahan nila… In fact, the last one na naalala ko mahirap abutin. Hindi sila maabot kasi nga very inaccessible e,” aniya pa rin.
The post 41 patay kay Agaton, isinisi sa small-scale mining appeared first on Remate.