PATAY na nang matagpuan ang isang paslit na ginahasa at ginilitan pa ng leeg ng isang lalaking pipi sa Surigao del Norte kaninang umaga, Enero 17.
Bagamat hinihintay pa ang resulta ng awtopsiya sa biktimang si Kumberly Quimbo, 4, para malaman kung ito ay sinalbahe, tiniyak naman agad ng pulisya na ginahasa ito.
Hawak na ng pulisya ang suspek pero hindi ibinunyag ang pangalan nito dahil na rin sa pagiging menor de edad na 14-anyos lamang.
Lalo namang mas tumibay ang kasong panggagahasa at pagpatay nang may testigong nakapagsabi na ang suspek ang huling nakitang kasama ng biktima bago natagpuang patay at walang saplot sa katawan sa isang masukal na lugar sa Sitio Pingaping, Barangay Motorpool.
The post Pipi na gumahasa at pumatay sa paslit, tiklo appeared first on Remate.