NAGMILAGRO ang imahe ng Sto. Niño de Romblon matapos itong matagpuan noong Martes.
Ang nasabing imahe ay mula sa altar ng St. Joseph Cathedral noong 1991 at dalawang dekada nang nawawala.
Ayon kay Fr. Joebert Villasis ng Aklan Catholic College, isang kaibigan na nangongolekta ng mga antique ang nakakuha ng imahe.
Kahapon, pormal na tinukoy ng pari kasama si Cong. Madrona, si Msgr. Nonato Ernie at ang nagbibihis sa Sto. de Romblon, na ito nga ang nawawalang imahe noong pang 1991.
“I have a good friend who collects antique and one of his collections is the image of Sto. Nino, every time he has a new image, he always asked me of what is all, sabi daw ng nagbenta sa kanya ito daw ay Sto. Niño de Romblon, so I recall dati nang nawawala ang Sto. Niño doon, kaya I sought the assistance of my friend from Aklan Catholic College si Prof. Jun Mijare to identify the image kung ano ang hitsura ng Sto. Niño de Romblon, he showed me the image at ito nga daw, then tinawagan ni Jun si Cong. Madrona at kahapon nagpunta sila at positibo po sila na ito ang imahe,” pahayag ni Fr. Villasis sa panayam ng Radyo Veritas.
Agad namang ibinigay ng antique collector ang Sto. Nino de Romblon nang walang hininging kapalit.
Sa Pebrero 9 ay nakatakda aniya ang re-enthronement ng Sto. Nino de Romblon sa St. Joseph Cathedral.
Ayon kay Fr. Villasis, nang kunin sa kanila kahapon ang imahe ng Sto. Nino, lumabas ang resulta ng Nurse Licensure Examination ng Professional Regulation Commission at dito ay 100% na pumasa ang mga nursing students ng nasabing kolehiyo.
“After he left, he gave us a blessing to our school, kasi lumabas kahapon yung nursing board exams, at 100% po kami, first time po ito, hindi kami makapaniwala, at ito na ang blessing sa amin,” pahayag ni Fr. Villasis sa panayam ng Radyo Veritas.