PATAY na nang makita ang 4-anyos na babae na may nakasaksak pang stick ng BBQ sa leeg makaraang gahasain muna ng isang binata sa Surigao del Norte sa ulat ng pulisya.
Kinilala ang suspek na si Joel Hardinel, ng Brgy. Mahayahay, Kitcharao, Agusan del Norte at kasalukuyang naninirahan sa Sitio Pingaping, Brgy. Motorpool, Tubod, Surigao del Norte.
Nabatid na ang suspek ang nakitang kasama ng batang si “Shaira” bago siya natagpuang patay.
Sa imbestigasyon, umalis ng bahay ang bata alas-8:00 pa ng umaga kahapon kasama ang suspek.
Pero pasado ala-1:00 din ng hapon ng araw na iyon ay nakita ang bata pero patay na.
Lumalabas na ginahasa muna ang biktima bago pinaslang.
The post 4-anyos ginahasa saka pinatay gamit ang stick ng BBQ appeared first on Remate.