Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

So pinartidahan si Rapport

$
0
0

MAY jet lag at halos walang tulog si super GM Wesley So na naglaro ng itarak nito ang unang panalo sa round 1 ng nagaganap na 76th edition ng Tata Steel Chess Tournament sa Wijk aan Zee, Netherlands, kagabi.

Sa araw mismo ng laban dumating sa nasabing bansa si No. 8 seed So (elo 2719) kaya naman halos hindi rin ito nakapag-ayos at nakakain ng mabuti pero pinataob pa rin nito si GM Richard Rapport (elo 2691) ng Hungary matapos ang 56 sulungan ng modern opening, Larsen.

Bago nag-umpisa ang laro kinausap ni So ang 17-anyos na si Rapport na i delay ng isang oras ang kanilang laban at pumayag naman ang huli.

sabi ng 20-year old So na hawak ang itim na piyesa, puro depensa ang ginawa nito sa buong laro at nang magkamali ang pinakabatang Hungarian na naging GM ay sinunggaban ng Pinoy ang tsansa at hindi pinakawalan ang 1 pt.

Si So na nag-aaral sa Webster University ay kasalo sina No. 3 seed GM Fabiano Caruana (elo 2782) ng Italy, No. 5 GM Sergey Karjakin (elo 2759) ng Russia at second round opponent ranked No. 2 GM Hikaru Nakamura (elo 2789) ng USA.

Pinisak ni Caruana ang beteranong si seed No. 4 GM Boris Gelfand (elo 2777) ng Israel matapos ang 30 moves ng Sicilian Najdorf.

Umabot naman sa 65 sulungan ng Nimzo-Indian bago kinaldag ni Nakamura si GM Arkadij Naiditsch (elo 2718) ng Germany habang 60 sulong ng catalan opening ang kinailangan ni Karjakin para pataubin si GM Loek Van Wely (elo 2672) ng Netherlands.

Nauwi naman sa draw ang laban nina top seed at world’s No. 2 player Levon Aronian (elo 2803) ng Armenia at Pentala Harikrishna (elo 2706) ng India sa 30 moves ng Giuoco Piano opening.

Tabla rin ang resulta ng laro nina Leinier Perez Dominguez (elo 2754) ng Cuba at Anish Giri (elo 2734) ng host country sa kanilang Ruy Lopez Berlin Wall.

Pagkatapos ng round two, magkakaroon na ng pagkakataon na bawian ni So ang isa sa mga tumalo sa kanya noong teenager pa ito – si Naiditsch.

Isang talo at isang draw ang Pinoy kay Naiditsch.

Samantala, ang ibang pairings sa second round, hahanapin ni Aronian ang unang panalo kontra kay Caruana habang mag-uunahan sina Gelfand ay Rapport para ilista ang unang puntos sa event na may 12-players single round robin.

Tatangkain naman ni Karjakin na makuha ang pangalawang panalo laban kay Harikrishna habang magkikilatisan naman sina Giri at Naiditsch.

Sina Dominguez at Van Wely ang magkalaban.

The post So pinartidahan si Rapport appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>