PUSPUSAN ang isinasagawang retrieval operation ng mga elemento ng Philippine Coast Guard (PCG) sa bangkay ng dalawang sakristan na kabilang sa tatlong sakristan na nalunod sa isang beach resort sa Tangalan, Aklan.
Batay sa report ng PCG headquarters sa Maynila, nagsagawa ng kanilang post Christmas party ang mga miyembro ng St. Jude Parish Church sa Green Meadow Beach Resort sa Barangay Tawili, Tangalan, Aklan noong Enero 6 ng alas-10:30 ng umaga.
Habang lumalangoy ay napunta sa malalim na bahagi ang biktimang si Renil Reprado, 26, ng Brgy. Mugin, Banga, Aklan.
Sumaklolo naman ang kapwa sakristan na sina Romel Leyson at Joel Mejano nang makitang nalulunod si Reprado ngunit kapwa nalunod din ang dalawa at hindi na nakaahon.
Ang bangkay ni Mejano ay lumutang kinabukasan, may 30 metro ang layo sa resort, alas-7:45 ng umaga.
The post 3 sakristan nalunod, 2 pinaghahanap pa ng PCG appeared first on Remate.