AYON sa Philippine Coast Guard (PCG) Bicol, walang dapat ipangamba ang mga Bicolanos sa balitang pagbagsak ng debris mula sa inilunsad na rocket ng South Korea sa bahagi ng Pacific Ocean.
Sinabi ni PCG-Bicol Lt. Jerome Lozada, na malayong-malayo ito sa kalupaan kaya walang dapat ikabahala ang mga residente.
Aniya, nasa 270 nuatical miles o 500 kilometers ang layo ng binagsakan ng debris mula sa outer soar line ng eastern seaboard sa Bicol.
Kaugnay nito, balik na sa normal ang biyahe ng lahat ng uri ng sasakyang pandagat at panghimpapawid kasunod ng “no fly, no sail at no fishing zone” na ipinatupad kahapon sa paglulunsad ng SoKor ng kanilang rocket.