KINALAMPAG ng militanteng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang opisina ng Social Security System (SSS) sa East Avenue, Quezon City upang kondenahin ang implementasyon ng 0.6% increase sa premium contributions ng mga miyembro nito sa buong bansa.
Ayon sa KMU, ang naturang taas sa bayarin sa SSS premium ay lubhang magpapahirap sa maliliit na manggagawa na miyembro nito dahilan sa dadagdag pa ito sa mga bayarin ngayong taon.
Simula ngayong January 2014, ang monthly SSS contributions ay tataas ng 11 percent mula sa 10.4 percent upang masustinihan daw ang pagpapaganda ng serbisyo ng ahensiya sa mga miyembro nito.
Sinabi pa ng KMU na ang dagdag taas sa premium ng mga miyembro ng SSS ay magpapahirap lamang sa mga miyembro nito gayong hindi naman tumataas ang sahod ng mga manggagawa.
Sinabi nito na takda silang magsampa ng TRO sa Korte Suprema para pigilan ang naturang hakbang.
The post SSS inulan ng kilos protesta appeared first on Remate.