ANG Home Development Mutual Fund (Pag-IBIG Fund) ay sa ilalim ng pagsubaybay ni Chairman, Vice President Jejomar C. Binay, at sa pamamahala at mahusay na leadership ng kanilang Chief Executive Officer (CEO), Atty. Darlene Marie B. Berberabe.
Ang Commission on Audit (COA), bilang states auditing firm, ang siyang nagmamanman sa pondo ng lahat ng government institutions, sa pamamagitan ng pagsusuri sa revenue expenditures, at mga pag-aari ng bawat ahensya na nasa kanilang pangangalaga.
Ang mga state auditor ay nagkakaroon ng apat na uri ng opinyon upang tasahin ang katayuan ng pondong pinansyal ng isang institusyon. Ito ay unqualified, o clean opinion, qualified opinion, adverse opinion, at disclaimer.
Ayon sa United States Agency for International Development (USAID), isang unqualified opinion na tinanggap ng Home Development Mutual Fund (Pag-IBIG Fund) mula sa COA, ay ang pinakamainam na opinyon na makukuha ng isang ahensya, na epektibong sinisiguro sa publiko na ang naturang government entity ay pangkabuuang nakapagsasaayos ng kanilang pangkasalukuyang financial policies at guidelines.
Samantala, nakakuha rin ang Fund ng “Covete Seal of Approval mula sa Civil Service Commission (CSC), na nagbigay ng CSC Awards sa kanilang 3 sangay, Davao, Naga, at Cebu South na may markang “Excellent” dahil sa kanilang accomplishment laban sa Anti-Red Tape Act.
Ayon kay Binay, ang Seal of Approval ay nagpapakilala sa pagpapatuloy ng Fund sa kanilang pagsisikapan at mas pagbubutihan ang kanilang serbisyo sa mga kaanib.
“Idinagdag pa ng bise presidente na ang serbisyo ng Fund ay lalo pang palalawakin, sa pamamagitan ng paglalabas at pagbibigay sa Pag-IBIG card.
“Ang card ay magbibigay sa mga Fund member ng malaking diskwento ukol sa gamot, pagkain, edukasyon at iba pang pangunahing pangangailangan,” ayon sa kanya.
The post PAG-IBIG DAVAO, NAGA AT CEBU NAKAKUHA NG CSC EXCELLENT AWARDS appeared first on Remate.