POSIBLENG hanggang sa araw ng Sabado pa magtatagal ang kawalan ng power supply sa tinatayang 500,000 na kabahayan sa North-eastern US at South-eastern Canada kaugnay ng winter storm.
Ayon sa utility crews, bagama’t walang tigil ang kanilang pagkukumpuni ay nagiging pahirapan ang mga nagkalat na yelo sa mga lansangan.
Kaugnay nito, dumoble pa sa 27 ang bilang ng mga namatay bunsod ng winter storm sa Amerika.
Karamihan sa mga namatay ay dulot ng nakalalasong carbon monoxide dahil sa paggamit ng gas generators, charcoal stoves at iba pa, habang ang iba naman ay dahil sa traffic accidents.
Nananatili ring walang kuryente sa New Brunswick at Quebec sa Canada, gayundin sa Nova Scotia, estado mula Maine at Michigan sa Amerika.
The post 27 na patay sa US winter storm appeared first on Remate.