Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

ELABRAM EMPLOYEES IBINAHAGI ANG KANILANG BIYAYANG NATAMO

$
0
0

ang inyong lingkod hilda ongANG Elabram Systems ay isang mapagkakatiwalaang Telecommunication Engineering and IT service provider na mahusay sa Specialist Resource Provision, Project Management and Engineering Services of advance telecommunication in wireless network solutions. Ang Pilipinas ang kanilang pangalawang tahanan at may tanggapan sa Pilipinas ang Elabram.

Ibinahagi ng mga kawani ng Elabram ang kanilang mga biyaya sa mga biktima ng bagyong Yolanda at nakapangolekta ng halagang P52,000.00. Iniabot ng Elabram ang kanilang nalikom kay Philippine National Red Cross Chairman Richard Gordon, noong Disyembre 09, 2013 sa PNRC headquarters sa Intramuros, Manila.

Ang halaga ay maaaring maliit lamang kumpara sa malaking donasyon mula sa iba’t ibang multi-national companies, subalit, galing ito sa bulsa ng mga kawani ng Elabram na nagmamalasakit.
Sinisiguro ng mga Radio Frequency Engineer, Accountant, Administrator at Manager na magkakaroon sila ng bahagi na makapagbigay ng kaunting halaga mula sa kanilang mga sahod, upang makatulong sa kanilang munting paraan sa mga biktima ng bagyong Yolanda.

Ayon kay Alfred Hoh ng Elabram Malaysia, ”Ang aming regional offices sa Malaysia, Thailand at Indonesia ay nagpadala ng kanilang suporta, at lahat din ay umuusal ng kanilang dalangin para sa mga biktima at nangamatay.”

Ang dating senador ng Pilipinas at ngayon ay chairman ng Philippine National Red Cross na si Richard Gordon, ay nagsabi na “ang halaga na nagmula sa kawani ng Elabram ay makapagpapatayo ng tahanan at malayo na ang mararating.
Walang maliit na halaga lalo na sa panahon ng pangangailangan sa panahon ng ganitong mga kalamidad.”

Elabram Executives ay nagtungo sa PNRC headquarters para sa isang “long term partnership” kung saan sina Associate Director Engr. Joel Nuesca, Business Administration Manager Liza Valdez, Project Manager Engr. Arnel Castañeda, International Business in Finance Ng Ke Yuan at Marketing Manager Engr. Grace Bondad Nicolas ay nakipagkita kay Digital Strategist Kenneth Dimalibot at Director of Fund Generation Janette Alcaraz.

The post ELABRAM EMPLOYEES IBINAHAGI ANG KANILANG BIYAYANG NATAMO appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>