HALOS maghiwa-hiwalay ang katawan ng isang misis at kanyang kalaguyo nang pagtatagain ng mister ng una nang maaktuhang nagtatalik sa loob mismo ng bahay ng salarin sa Sarangani, Davao Occidental sa ulat ng pulisya.
Kinilala ang mga biktima na sina Fedila Sartagona, 39, at Gerry Salcedo, 45, ng Barangay Patonganding, Sarangani, Davao Occidental.
Nabatid na alas-8:00 kagabi nang mahuli sa akto ni Ernie Tamerino Kiawin ang pagtataksil ng kanyang misis na nagse-sex sa mismong kuwarto nila.
Dahil sa galit ay kumuha ng itak ang suspek at pinagtataga ang dalawa.
Kaagad namang sumuko sa mga alagad ng batas ang suspek.
The post Misis, kalaguyo naaktuhang nagse-sex, utas kay mister appeared first on Remate.