Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

P2.265-T 2014 General Appropriations Act aprub na

$
0
0

MATAGUMPAY nang naaprubahan ang P2.265 trillion 2014 General Appropriations Act (GAA).

Sa katunayan ay pormal nang nilagdaan ni Pangulong Aquino ang RA1063 sa Rizal Hall, Malakanyang kung saan sinaksihan ng mga senador at kongresista ng dalawang Kapulungan ng Kongreso.

“Ngayong hapon, matagumpay nating isinabatas ang 2.265 na trilyong pisong Pambansang Gugulin para sa 2014,” ang pahayag ng Punong Ehekutibo.

Ipinagmalaki pa ng Pangulong Aquino na hindi matatawaran ang sigasig at kahusayang muling ipinamalas ng Kongreso dahil ika-apat na sunod na taon nang ”on-time” na naaprubahan ang Pambansang Budget.

Dahil dito, aniya ay hindi lamang agarang naipatutupad ang mga prayoridad na proyekto, natatapalan din niya ang maraming butas na maaaring pagmulan ng pang-aabuso sa kapangyarihan at sa kaban ng bayan.

Wala naman aniyang dapat na ikabahala ang publiko dahil inilipat na sa regular programs at projects ng ahensiya ng pamahalaan ang pondong dating tinutustusan ng Priority Development Assistance Fund (PDAF).

“Binuo natin ang Pambansang Budget para sa taong 2014 upang paigtingin ang transpormasyon ng pamamahala sa kaban ng bayan,” ayon kay Pangulong Aquino.

Inilatag naman nito ang pondo na inilaan sa bawat sektor katulad aniya ng social services: 37.2%  kabilang na ang P62.6 billion; 44.6 billion pesos para sa construction and rehab ng 43,000 classrooms at iba pa; 35.3 billion pesos  para tustusan ang 14.7 milyong pamilya sa ilalim ng national health insurance program; 4.0%-89.5 billion pesos-for defense; 16.7%-377.6 billion pesos for debt burden; 16.0%-362.6 billion pesos for general public services; 26.2%-593.1 billion pesos for economic services  kung saan ay kabilang na rito ang P94.3 billion para sa DPWH para pondohan ang 953km ng national roads at iba pa; P10.7 billion para sa DA technical support services na ang  1.3 million pesos benepisyo ay ang mga magsasaka at 5.5 billion pesos  para sa tourism promotion.

Naglitanya si Pangulong Aquino na kahit binugbog ng krisis at delubyo ang bansa ay hindi kailanman nagpatalo ang gobyernong Aquino na bumigay na lamang at yumuko dahil ang bawat pagsubok aniya ay itinuring niyang  oportunidad upang higit pang magkaisa, magpakitang-gilas, at magmalasakit para sa bansa.

Nito lamang aniyang mga nakaraang buwan ay patong-patong na trahedya ang sumalubong sa sambayanang Filipino kung saan ito aniya ang karahasang naganap sa Lungsod ng Zamboanga, ang lindol sa Bohol, at ang pananalanta ng bagyong Yolanda sa Kabisayaan.

Sinagad aniya ng mga sakunang ito ang kanyang limitasyon o hangganan.

Sinubok, hindi lamang aniya ang katatagan niya bilang isang bayan, kundi maging ang kakayahan ng pamahalaang Aquino na tumugon sa pangangailangan ng mamamayan: ang pagsasagip ng buhay, ang rehabilitasyon, at ang muling pagbangon ng mga apektadong komunidad.

Sa mga delubyong nabanggit ay tila hinamon naman ang ugnayan ng ehekutibong sangay ng pamahalaan sa  Kongreso dahil sa mga isyu’t iskandalong tulad ng pork barrel scam, na nag-ugat lamang sa pang-aabuso ng ilang tiwaling binabaluktot ang batas, at pilit na lumulusot sa mga bitak ng sistema para lang makapanlamang.

Binigyang diin pa nito na sinasalamin ng nasabing pagtitipon ang pagtibay ng itinindig nating pundasyon para sa tuwid at mabuting pamamahala.

Samantala, pinasalamatan naman nito ang Kongreso sa pamumuno nina Frank Drilon sa Senado at Sonny Belmonte sa Kamara katuwang sina Senate Finance Committee Chairman Chiz Escudero at House Appropriations Committee Chairman Sid Ungab sa  ipinamalas ng mga ito na huwarang liderato, at sa pagtugon sa panawagan ng sambayanang Pilipino para sa isang tapat at may pananagutang proseso ng pagpopondo.

Tiniyak ng chief executive na hindi niya hahayaang maulit pa ang mga kamalian ng nakaraan.

Patuloy niyang pinapatibay ang estratehiyang sa simula pa lamang ay inilatag na natin sa Tuwid na Daan: na sa wastong pagpopondo at sa kooperasyon ng bawat katuwang na institusyon, kung saan ay may sapat na kakayahan ang pamahalaan upang maagap na tumugon sa anomang sitwasyong kahaharapin ng bansa.

The post P2.265-T 2014 General Appropriations Act aprub na appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>