Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

MILF inakusahang lumabag sa ceasefire agreement

$
0
0

MARIING kinondena ng militar ang grupo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na nilabag ang umiiral na kasunduan ng kapayapaan sa pagitan ng kanilang grupo at ng pamahalaan.

Ito ang tahasang ipinahayag ng militar kasunod ng nangyaring paglusob ng armadong grupo sa Marawi City police station na kagagawan ng mga miyembro ng MILF sa pangunguna ng isang Toni Datu Repors, na ilang oras ding naging bihag ng grupo ang mismong hepe ng police station na si P/Supt. Christopher Panapan at napatay ang isang sibilyan na bayaw nito.

Ayon kay Col. Glenn Macasero, commander ng 103rd Infantry Brigade ng 1st Infantry Tabak Division ng Philippine Army (PA), kung mapapatunayang may kinalaman ang MILF sa nasabing pag-atake, malinaw na may paglabag ang grupo sa umiiral na kasundaan ng kapayapaan sa pagitan nila at ng pamahalaan.

Sa nasabing pag-atake, inagaw ng armadong grupo ang dalawang miyembro ng MILF na nakakulong sa selda sa police station.

Nabatid na ang dalawang suspek na sina Johani Abuat Cader at Mesron Mauntol Borodan ay naaresto ng PNP noong nakalipas na October 30, 2013 dahil sa kasong illegal possession of firearms.

Sinabi ni Macasero, kaagad siyang nagsampa ng reklamo sa tanggapan ni Oshama Ali, ang head ng MILF Ad Hoc Joint Action Group (AHJAG) Team 2 na nakabase sa lalawigan ng Lanao del Sur dahil sa paglabag ng MILF sa umiiral na ceasefire agreement.

Maliban sa nangyaring paglusob sa Marawi police station, limang sibilyan din ang napaulat na dinukot ng hiwalay na grupo ng MILF sa pangunguna naman ng isang Abdul Macalunto sa may Barangay Poblacion East sa bayan ng Balo-i, dakong alas-6 ng gabi nitong nakalipas na Huwebes na itinuturing ng militar na isang malaki ring paglabag sa kasunduan.

Kaugnay nito, mariin namang itinanggi ni MILF vice chairman for political affairs Ghadzali Jaafar na may kinalaman ang grupo ng MILF sa paglusob sa Marawi City police station.

Matatandaan na may nilagdaan ang gobyerno at MILF na kasunduan kaugnay sa Bangsamoro Framework Agreement.

Sinasabing ang kasunduan sa Bangsamoro Framewok Agreement ay ang ugat ng matinding galit ng grupo ni Moro National Liberation Front (MNLF) founding chairman Nur Misuari.

The post MILF inakusahang lumabag sa ceasefire agreement appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>