Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Apela sa Yemen gov’t: Responsable sa pag-atake panagutin

$
0
0

UMAPELA ang Malakanyang sa Yemeni government na tugisin at pagbayarin ang nasa likod ng suicide bombing sa defense ministry complex sa Yemen na nagresulta ng pagkamatay ng 7 Filipino at pagkasugat ng 11 iba pa.

“We condemn the senseless violence that killed seven Filipinos and inflicted injury to several of our citizens working in Yemen,” ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Herminio “Sonny” Coloma, Jr.

Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na ang mga opisyal ng Pilipinas sa lokal na awtoridad upang tiyakin ang kaligtasan ng mga Pinoy sa Yemen.

Sa ulat na natanggap ng Philippine ambassador to Saudi Arabia at honorary consul sa Yemen, sinabi ni Coloma na pitong Filipino hospital worker ang namatay habang 11 katao naman ang nasugatan.

Ang suicide bombings ay nangyari sa Ministry of Defense complex kahapon kung saan hanggang ngayon ay nangangalap ng karagdagang impormasyon ang consul doon.

Bukod diyan ay patuloy na nakikipag-ugnayan ito sa hospital at government authorities.

Ang mga nasugatan at nakaligtas ay agad na dinala sa mas ligtas na lugar.

Hindi naman pinangalanan ang mga ito hangga’t walang pasabi pa sa kani-kanilang pamilya.

Ang sitwasyon ay kasalukuyang nasa kontrol na ng Yemeni Security Forces.

Sa ulat, sinasabing sinugod ng mga militanteng grupo ang  Defense Ministry sa Yemen’s capital na nagresulta ng pagkamatay ng 52 katao kung saan ay 7 dito ay mga Pinoy.

Tinatayang  167  ang sugatan.

Samantala, wala namang umaangkin na grupo na may kagagawan ng insidente subalit ang obserbasyon ay gawain ng al-Qaeda.

The post Apela sa Yemen gov’t: Responsable sa pag-atake panagutin appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>