Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Mambabatas na ginagamit ang oras para makipagbangayan pinasaringan

$
0
0

PINASARINGAN ng Malakanyang ang mga mambabatas na mas pinag-aaksayahan ng panahon ang makipagpatutsadahan sa kanilang kapwa mambabatas sa halip na ituon ang pansin at oras sa mas makabuluhang usapin lalo na ang pagpapasa ng batas.

Umaasa si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Herminio “Sonny” Coloma na hindi na mauulit ang ginawa  nina Senador Miriam Defensor–Santiago at Senador Juan Ponce Enrile na ginagamit ang kanilang oras sa Senado para magbigay ng kani-kanilang privilege speech para magbangayan at siraan ang isa’t isa.

“We will just say that we would like Congress to be able to devote quality time to the enactment of priority legislation,” ayon kay Sec. Coloma.

Wala namang balak aniya ang Malakanyang na pagsabihan ang mga ito sa kanilang mga inaasal sa Senado.

“The Senate has its own processes for doing so,” aniya pa rin.

Naniniwala naman ang Malakanyang na mahalaga ang Senado at Kamara bilang “legislative arm” ng pamahalaan.

Maaari aniya niyang sabihin na malaki ang inaasahan ng taumbayan sa mga senador na halal na opisyal ng bayan na tututukan ang mga mahahalagang usapin at hindi ang magbatuhan ng putik at dumi sa isa’t isa.

Ipinaubaya naman ng Malakanyang sa government law enforcement agency at government prosecutorial arm sa Department of Justice ang pag-imbestiga kung kinakailangan sa mga naging alegasyon ni Santiago kay Enrile.

The post Mambabatas na ginagamit ang oras para makipagbangayan pinasaringan appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>