Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Arcilla umabante sa sweet 16

$
0
0
PINAGPAG ni top seed Johnny Arcilla si Argil Lance Canizares, 6-2, 6-1 upang tumuloy na ito sa last 16 ng P600,000 32nd Philippine Columbian Association (PCA) Open tennis championships na ginanap kahapon sa PCA covered clay courts sa Plaza Dilao sa Paco, Maynila.
Humataw naman ng madaliang panalo sina second rank Patrick John Tierro, No. 4 Mark Reyes, No. 11 Kim Saraza at 13th seed Jeson Patrombon upang samahan si defending champion Arcilla na sumampa sa sususnod na round.
Pinawisan naman ang singit nina No. 3 Elbert Anasta, ninth seed AJ Lim at 10th ranked Roel Capangpangan bago talunin ang kanilang mga kalaban makakakuha ng puwesto sa third round ng naturang torneo na sinusuportahan ng Cebuana Lhuillier.
“Sa ngayon stamina at conditioning ko na lang ang kailangan ko tutukan. Wala naman na ako sakit sa katawan at fully recovered na sa shoulder injury ko nuong last Davis Cup ng September,” ani Arcilla na lumakas ang tsansa na masungkit ang record na ika-walong titulo at ang P100,000 na first prize.
Pinauwi ni Tierro ang qualifier na si Andre Banata, 6-1, 6-1, at susunod na makakaharap si Patrombon na nagtakas ng 6-1, 6-0 panalo knotra Bryan De Casa habang si Reyes naman ay binokya si Rollyto Litang, 6-0, 6-0.
Pinag-impake naman ni Saraza si Joshua Miranda, 6-3, 6-0.
Nagwagi si Lim sa second set bago itala ang 6-1, 6-0 panalo laban kay Al Michael Madrio, ngunit hindi na magtutuloy sa third round matapos na aalis para sumabak sa 52nd Metropolitan Junior Orange Bowl International Championship simula sa Disyembre 9 sa Miami, Florida.
“Nag iba kasi siya ng strategy at masyado din kasi ako nagmamadali sa mga tira ko. Hindi din leveled ang court kaya may lumiliko ang bola. Ginawa ko na lang sa baseline ko dinala ang bola,” ani Lim na sinabi na handa na siyang harapin ang mga makakalaban sa South Beach.
“Sa mga local tournaments po kasi kilala mo na lahat ng kalaban mo. Pero kapag nag compete ka sa international kailangan mo ng tibay at lakas ng loob dahil iba ang level ng mga players duon,” dagdag nito. “Nasa tamang kundisyon naman po ako dahil kahit sino naman beatable sa laban. Basta kapit lang at ang mindset mo dapat you will come out as a champion sa mga tournament na sasalihan mo.”
Sa ibang resulta,pinagpag ni Anasta si Antonio Quiza habang pinataob ni Arcie Mano si Kyle Parpan, 6-1, 7-5.

Pinag-impake naman ni Capangpangan si Raymond Diaz, 7-5, 6-3, at nakasungkit din ng third round berth ang unseeded na si Calvin Canlas matapos ang 6-4, 1-6, 6-4 panalo laban kay Alexander Lazaro.

The post Arcilla umabante sa sweet 16 appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>