UMAKYAT na sa 5,000 katao ang naiulat na namatay sa pananalasa ng super typhoon Yolanda sa Region 8 batay sa report ng Office of Civil Defense (OCD-8) mula sa Ormoc City, Tacloban City, Baybay City at Borongan City.
Kasama rin sa bilang ang mga naitalang patay sa Leyte, Western Samar, Eastern Samar at Biliran province.
Naitala ang 27 patay at walong missing sa Ormoc City; Tacloban City nasa 1,725 ang patay, 450 ang missing; Baybay City dalawa; Borongan City walo; Leyte province (40 towns) may 2,678 casualties habang 1,066 missing; sa Western Samar (Basey, Marabot towns) umaabot na sa 224 casualties, 38 ang missing; sa Eastern Samar (12 towns) 258 casualties, 20 missing; Biliran province (8 towns) lima naman ang naitalang patay.
Ang nasabing bilang ay batay na rin sa isinagawang validation ng DILG kasama ng PNP.
The post Death toll kay ‘Yolanda’ 5,000 na – OCD appeared first on Remate.