MULI na namang nakaranas ng pag-uga ang Leyte matapos maramdaman ang 3.2 magnitude na lindol kaninang hapon.
Agad namang pinawi ng PHIVOLCS ang mga residente sa pagsasabing walang kakayahang magdulot ng panganib ang nasabing pagyanig.
Naitala ang pagyanig kaninang alas-4:54 ng hapon, kung saan ang epicenter ay nasa layong 13 km timog silangan ng Anahawan, Southern Leyte.
May lalim itong 17 kilometro at tectonic ang pinagmulan.
The post Leyte niyanig ng lindol – PHIVOLCS appeared first on Remate.