SIMULA sa Lunes, Enero 28, ipagbabawal na ng pamahalaan ang pagpepresenta sa publiko ng suspek sa anomang krimen kung walang pahintulot nito o ng kanyang abogado.
Sa ulat sa radyo, ayon kay Interior and Local Government Secretary Mar Roxas, layunin nito na maiwasang malabag ang karapatang pantao ng suspek.
Ang nasabing polisiya ay inirekomenda ni PNP Chief Director General Alan Purisima.