Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

171 nabiktima ng paputok sa bespiras ng Bagong Taon

$
0
0

ABOT sa 171 katao ang nabiktima ng paputok nitong New Year’s Eve sa Metro Manila pa lamang, ayon sa ulat ng Department of Health (DOH).

Sa ulat ni Health Assistant Secretary Dr. Eric Tayag, nabatid na mula 6:00 ng gabi ng Disyembre 31 hanggang 6:00 ng umaga ng Enero 1 ay umabot sa 171 firecracker-related injuries ang kanilang naitala mula sa pitong pagamutan sa Metro Manila.

Inaasahan naman umanong madaragdagan pa ang naturang bilang dahil hindi pa nila natatanggap ang report sa ibang mga pagamutan.
Ayon kay Tayag, magpapatuloy ang kanilang monitoring sa mga biktima ng paputok hanggang sa Enero 5 kung kailan tiyak aniyang mayroon pa ring mga tao na gagamit ng mga firecrackers.
“From 6p.m. [of Dec. 31] to 6a.m. [of Jan. 1], we have recorded 171 injuries from seven hospitals in Metro Manila,” ulat ni Tayag, , direktor ng DOH-National Epidemiology Center (NEC). “We are going to count more injuries until January 5 as people are still using firecrackers and [some of] those who got hurt have yet to go to hospitals.”

Nabatid na ang 171 biktima ng paputok nitong New Year’s Eve ay isinugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center, East Avenue Medical Center, Amang Rodriguez Medical Center, Philippine Orthopedic Center, Valenzuela Medical Center, Ospital ng Tondo at sa Philippine General Hospital.
Sa nasabing bilang ay may mga nabiktima ng paputok at mayroon ding tinamaan ng stray bullets.

Kabilang sa mga nabiktima ng firecrackers ay sina Alex Estrella, Carlos Cinco, Domingo Linga, Maika Paloma, Katrina Nicolas, Paul Santos, Henry Tayco, at Zander delos Santos, 4.

Tinamaan naman umano ng ligaw na bala sina Dante Coñe, Teodoro Rentoy at ang dalawang taong gulang na si Aida Billiones.

Umaasa naman ang DOH na kaunti lamang ang mga taong mabibiktima ng paputok at ligaw na bala ngayong pagsalubong sa Taong 2013.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>