HINDI pabor si House Speaker Feliciano Belmonte sa panukalang humingi ang administrasyong Aquino na debt relief sa World Bank habang bumabangon mula sa trahedya ng bagyong Yolanda.
Naging malamig ang pagtugon ni Belmonte sa mungkahi nina Bayan Muna Reps. Neri Colmenares at Isagani Zarate ukol sa paghingi ng debt relief ng gobyerno sa utang nitong P2 trilyon para sa 2013 kung saan nakatakdang magbayad ang gobyerno ng P333 bilyon.
Sinabi pa ng speaker na kahit noong mapabagsak ang diktaturya at matapos ang Martial Law sa bansa ay hindi hiniling ng Pilipinas sa mga creditor na magkaroon ng moratorium sa pagbabayad ng utang ng bansa.
Isa aniya sa implikasyon nito ay ang pagsama ng imahe ng Pilipinas sa ibang bansa.
Posible aniyang mabuo ang pananaw sa International Community na sa kaunting problema ay humihirit agad ng debt relief ang Pilipinas.
Bagama’t malaking dagok sa ekonomiya ang hagupit ng bagyong Yolanda ay nananatiling maganda pa rin naman aniya ang macro-economic outlook ng bansa.
Binigyang diin pa ni Belmonte na hindi na kailangan ang debt relief dahil marami ang tumutulong ngayon sa Pilipinas.
The post Debt relief tinutulan ni Belmonte appeared first on Remate.