NAUDLOT ang pag-uuwi sana sa Pilipinas ng grupong ipinadala ni National Bureau of Investigation (NBI) Dir. Nonnatus Cesar Rojas kay Aman Futures founder Manuel Amalilio nang pigilan ito ng Malaysia.
Nabatid na pasasakayin na lamang sa eroplano si Amalilio nang makatanggap pa sila ng utos na hindi na ito pahihintulutang sumama sa NBI team.
Dahil sa insidente, mananatili muna sa Malaysia ang grupo ng NBI hangga’t hindi pa nareresolba ang isyu sa Malaysian authority.
Hinalang may malaking kinalaman ang isyu na isang Malaysian national si Amalilio.
Pinanindigan naman ni Rojas na Filipino si Amalilio kaya sa Pilipinas niya dapat panagutan ang mga kasong kinasasangkutan.
Una nang naaresto si Amalilio sa Kota Kinabalu dahil sa kasong P12 billion pyramiding scam.