PARTIKULAR na binanatan ni Senador Jinggoy Estrada sa kanyang privilege speech si Commission on Audit Chairman Grace Pulido-Tan.
Ito ay dahil mukhang selective auditing lang aniya ang ginawa nito dahilan para tumutok lamang sa napuntahan ng kanilang pork barrel nina Senators Bong Revilla at Juan Ponce Enrile.
Ayon pa kay Jinggoy, hindi matutukan ni Tan ang kanyang trabaho dahil palagi itong nasa ibang bansa.
Pinatututukan din ni Jinggoy sa COA ang unaudited na P69.2-B ng PDAF mula 2007, 2008 at 2009 kung saan ito napunta.
Binakbakan din ni Jinggoy ang media dahil sa nahusgahan na aniya sila ng publiko dahil sa hindi patas na pamamahayag.
The post COA chairman Pulido-Tan binakbakan ni Jinggoy appeared first on Remate.