WALANG ibinigay na deadline si Pangulong Benigno Aquino III para tapusin ang standoff sa Zamboanga City.
Ang katwiran ni Pangulong Aquino ay dahil mahalaga sa kanya ang buhay ng mga Zamboangueño kaya hangga’t may standoff ay mananatili siya roon.
“Siguro, baka as a last thing na lang, ano, hindi pa huli ang lahat. Doon sa mga natitira na puwersa ng kalaban, sa akin mahalaga ang buhay, baka naman gusto niyong tingnan kung mahalaga rin ‘yung buhay niyo? At hindi pa huli ang lahat para tapusin ito nang mabawasan ‘yung namamatay or nasusugatan—nasa inyong kamay ‘yon,” diing pahayag ng Punong Ehekutibo.
Sa kabilang dako, pipilitin naman ni Pangulong Aquino na tapusin ang krisis na ito sa mapayapang paraan dahil habang hindi natatapos ang krisis ay sasamahan niya ang mga taga-Zamboanga City at ang mga opisyal nito.
Inamin naman ng Pangulong Aquino na naging madali sa kanya ang paghawak sa sitwasyon ng Zamboanga dahil na rin sa hindi na kailangang utusan pa ang kanyang mga nakasamang cabinet officials doon.
“So I’d like to… ‘Yung ‘pag may nagsasabi sa akin, “parang ang ‘cool’ mo.” Sabi ko, ‘pag ito mga kasamahan mo, na lahat ay ginagampanan ‘yung kailangan nilang gawin na hindi mo na kailangang utusang gampanan, at kung ano mang pagsubok na palaki nang palaki ay natutugunan pa rin, ay talaga namang, ‘di ba, napapahanga ako sa kanila at doon nagmumula ‘yung kumpiyansa na malalampasan natin kung ano man ang pagsubok dito,” pahayag nito.
The post PNoy walang ultimatum vs MNLF sa Zambo siege appeared first on Remate.