NASAKOTE ng mga awtoridad ang dalawang hinihinalang drug pusher sa isinagawang buy-bust operation ng nagsanib pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) sa Barangay Ambangonan sa bayan ng Rosario, La Union.
Kinilala ang mga suspek na sina Pablo Orencia, 61 at Mark Erwin Astoria, 19, residente ng Barangay Francia West sa bayan ng Tubao sa lalawigan.
Nakuha sa pagiingat ng mga suspek ang dalawang sachet na pinaghihinalaang shabu na hindi pa mabatid ang timbang at iba pang kagamitan na maaaring gamitin ng mga otoridad bilang ebidensya.
Inihahanda na rin ng mga alagad ng batas ng kasong isasampa laban sa dalawa dahil sa paglabag umano ng mga ito sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o Republic Act No. 9165.
The post 2 drug pusher nasakote sa La Union appeared first on Remate.