ISANG impormasyon ang nakarating ngayon sa mga militar na mahigit 100 MNLF fighters ang susugod mamayang madaling-araw sa provincial capitol ng Sulu.
Sinasabing ang grupo ay pangungunahan ni Commander Tahil Sali.
Agad namang inatasan ni Sulu Gov. Sakur Tan si board member Ismon Suhuri para idepensa ang lalawigan.
Si Suhuri ang dating mayor ng Patikul at kababata ni Sali.
The post Sulu sasakupin ng MNLF fighters mamayang madaling-araw – Report appeared first on Remate.