HUMIGIT-kumulang na sa 300 ang hostages sa patuloy na sagupaan ng tropang pamahalaan at mga miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa Zamboanga City.
Ayon sa report, patuloy ang mga sporadic na sagupaan kaya nagmistulang ghost town na ang Zamboanga City.
Ayon kay city mayor Isabella Climaco-Salazar, suspendido ang mga klase sa mga paaralan at tanggapan ng gobyerno.
Pansamantalang rin pinigil ang paglalayag ng mga barko, mga sasakyang pandagat at paglipad ng eroplano para masiguro ang lugar.
Ayon kay Department of Interrior and Local government Secretary mar Roxas ang mga sporadic na sagupaan ay confined lamang sa apat na barangay tulad ng Sta. Catalina, Sta. Barbara, Talon-talon.
The post 300 na ang mga hostage sa Zambo clash appeared first on Remate.