WALANG iba kundi si Mutya Johanna Datul, 20, ang tinanghal na Miss Supranational 2013 sa isinagawang coronation night sa Sports Palace sa bansang Belarus.
Nangibabaw ang ganda ng tubong Santa Maria, Isabela sa 82 iba pa mula sa iba’t ibang bansa.
Nakuha rin ni Ms. Datul ang special award na Ms. Personality.
Bago ito nakoronahan si Ms. Datul bilang Binibining Pilipinas Supranational 2013 sa Bb. Pilipinas 2013 na ginanap noong Abril sa Pagcor Theater, Parañaque City.
Samantala, ipinagbunyi ng mga Isabelino lalo na ang mga pamilya at kababayan sa Sta. Maria ang karangalang nakamit ni Datul.
The post Mutya Datul, Miss Supranational 2013 appeared first on Remate.