ISANG magnitude-4.3 na lindol ang tumama sa Aurora province at naramdaman din sa ilang lugar sa Metro Manila kahapon ng Sabado ng tanghali.
Ayon sa state seismologists ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS, ang pagyanig ay naitala pasado alas-12:30 ng hapon at tectonic ang pinanggagalingan.
Batay sa inisyal na bulletin ng PHIVOLCS naramdaman ang Intensity II sa Quezon City kung saan natunton ang sentro ng lindol sa layong 11 km sa Hilagang silangan ng Dingalan sa Aurora province.
Wala namang iniulat na napinsala sa nasabing pagyanig at wala naming inaasahang aftershocks na magaganap.
The post Aurora at Metro Manila, nilindol ng magnitude 4.3 appeared first on Remate.