DISMAYADO ang National Press Club at iba pang samahan ng mamamahayag dahil sa kawalan pa rin ng aksyon ni Pangulong Benigno Aquino III sa walang habas na pagpatay sa mga journalist.
Ayon kay NPC President Benny Antiporda, nakalulungkot na nauubos na ang mga mediamen dahil sa walang habas na pagpatay pero wala pa ring ginagawang aksyon ang pangulo.
Kanina, isa na namang miyembro ng mamamahayag ang itinumba ng hindi nakilalang mga suspek sa Calapan, Oriental Mindoro.
Nabatid na sakay ng kanyang motor ang biktima na si Vergel Bico, editor ng weekly newspaper nang pagbabarilin ng mga suspek na lulan din ng motorsiklo.
Dalawang tama ng bala ng baril sa ulo ang agad na tumapos sa buhay ng biktima.
Inaalam pa kung may kaugnayan sa kanyang trabaho ang motibo sa krimen.
The post PNoy dedma pa rin sa media killings appeared first on Remate.