NAGPALABAS ng kautusan ang pamunuan ng National Capital Regional Police Office kung kaninung hurisdiksyon ang Bonifacio Global City (BGC) kasama ang Fort Bonifacio hanggang wala pang pinal na desisyon ang hukuman sa usapin ng kung anong lungsod ang nakasasakop dito.
Ayon kay NCRPO Regional Director Chief Superintendent Marcelo Garbo Jr., paiiralin ang “status quo” sa mga lugar sa Taguig na inaangkin ng Makati.
Sa kanyang direktiba, binigyang diin ni Garbo na mananatili sa Taguig ang Bonifacio Global City hanggang hindi pa nakapagpapalabas ng pinal na desisyon ang hukuman sa usaping ligal.
Para kay Taguig Chief of Police Sr. Superintendent Arthur Felix Asis isang welcome development ang ipinalabas na direktiba ng NCRPO.
Una rito ay personal na hiniling ni Mayor Binay kay Chief Supt. Jose Erwin Villacorte na agad na isalin sa Makati ang hurisdiksyon ng BGC na tanging financial district ng Taguig at pinanggagalingan ng ipinantutustos nito sa mga programa ng lokal na pamahalaan ng Taguig.
Wala namang magawa ang SPD dahil mas nakatataas ang NCRPO na may hurisdiksyon sa lahat ng kapulisan sa Metro Manila.
The post Global City mananatili sa Taguig police – NCRPO appeared first on Remate.