ISANG barangay chairman at isa pa niyang kasama ang nadakip ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang buy-bust operation sa Cagayan.
Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang nahuling mga suspek na sina Boby Jacobe, 38, isang barangay chairman at residente sa Zone 3, Dalla, Baggao, Cagayan at Edgardo Layaoen, 55, isang karpintero mula Tallang, Baggao, Cagayan.
Nadakip ang dalawa noong August 29, 2013, ng mag tauhan ng PDEA Regional Office 2 (PDEA-RO2) Special Enforcement Team matapos magkunwang buyer ng shabu mismo si Director Juvenal Azurin sa mismong barangay ni Jacobe sa Zone 5, Dalla, Baggao, Cagayan.
Nakumpiska sa dalawang suspek ang isang sachet ng shabu at P1,000 marked money na ginamit sa buy-bust.
Kinasuhan ang dalawa ng paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Article II ng Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
The post Brgy. Tserman, 1 pa tiklo sa buy-bust ng PDEA appeared first on Remate.