PORMAL nang sinampahan kanina, Agosto 29 si Raymart Santiago ng kanyang misis na si Claudine Barretto sa paglabag sa Republic Act 9262 o Violence Against Women and Children law sa Marikina City Prosecutors Office.
Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, abogado ni Barretto, alas-10:00 ng umaga nang magtungo sila sa Bulwagan ng Katarungan kasama ang kanyang kliyente, si Atty. Junelet Mataro bilang case counsel at mga magulang ng aktres sa sala ni Fiscal Linda Conos.
Sa labing tatlong pahinang reklamo, nakaranas ang aktres ng physical, sexual, psychological at economical abuse sa kamay ni Santiago, Rozelle Raymond Martin Santiago sa tunay na buhay.
Bukod sa sinumpaang salaysay at reklamo, isinumite rin ng aktres ang mga larawan at mga ebidensiya na magdidiin sa kaso laban kay Santiago.
Sinabi rin ng aktres sa kanyang inilabas na statement na kahit siya ay isang sikat na artista ay hindi ligtas sa pang-aabusong suxual,psychological at economical sa kanyang asawa.
“I took the big step of stopping and ending the abuses of my husband by filling a criminal complaint against him,” ayon pa kay Barretto.
Kasabay nito ay nanawagan ang aktres sa iba pang kababaihan na huwag matakot na humarap at huwag manahimik sa nararanasang pang aabuso mula sa kanilang mga asawa.
The post Raymart tinuluyan na ni Claudine appeared first on Remate.